Mga Paskil na Minarkahan ‘tula para kay Andres Bonifacio’

Para Kay Boni

Ngalan mo’y himpilan ng tren
O kaya’y kalsada sa Marikina

Tawag din sa isang libingag
Magigiting ang nakahimlay
Ngunit ano’ng alam nila:
Pook hanapbuhay at pasyalan

Sa ganito ka na lang ba
aalalahanin, gugunitain?
Ni araw ng kamatayan mong
sagisag ng dugo mong bayani
ay limot at hindi pinapansin.

Gayunpaman, ngayong iyong kaarawan
Nais kong ipanambitan
Pagpupugay sa iyong kabayanihan

Ikaw na siyang halimbawa
ng kagitingan at katapangan
marahas man daw ang iyong paraan,
ang layunin naman ay kalayaan.

Sana nga’y huwag malimutan
Iyong kabayanihan at pangalan
Alalahaning ang araw mo’y
hindi isang karaniwang bakasyon lamang.

~KRZ

Ngayong araw na ito ay ipinagdiriwang sa bansa ang Bonifacio Day. Nais kong ihandog ang tulang ito para sa lahat ng Pilipino. Maligayang kaarawan, Andres Bonifacio! Maraming salamat sa iyo!

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.